041012 - The search for the next cover girl: Hunger Games edition
Usapan namin ng sarili ko paninindigan ko to para sa pang sariling kapakanan at walang bahid ng intensyon kong sumikat. Gusto ko lang magkaroon ng maandang talata ng lahat ng panaginip ko. So game uli, lets give this a shot.
Nasabi ko naman noon na madalas akong hinahabol sa panaginip ko. Una mistaken identity lang, tipong may kailangan lang talaga sakin. Habang tumatagal, lumalala at umiintense. Dumadating na sa puntong bothersome na.
Nagsimula ang panaginip ng maganda. Biglang ayan nanaman at tumatakbo nanaman ako. At automatic palang poprotektahan mo ang sarili mo kahit na sa panaginip. May mga humahabol sakin para patayin ako. Nasa Hunger Games pala ako. At pinagaawayan, or rather pinagpapatayan namin ang trono kung sino ang next cover girl ng isang magazine.
Nagkaroon ng scene sa bunong ng eskwelahan ko nung HS. Kung saan nakadalawang tulak ako ng kakumpitensya ko. Nakataga rin ako. Sobrang madugo. Hindi natapos ang panaginip. Naiwan kaming dalawa lang kung saan akala namin tie na kami. Yun pala, kailangan pa namin mag paayan. Tapos nagising na ko.
Seryoso. Tachycardia ako nung pag gising ko. Sobrang kabado ko, kominsulta ako sa kaibigan kong psychologists. Sana makatulong sya.
032511 - Drink, drive, carnap
Umuwi ako ng walwal. As in lasing na lasing!!! (Hindi ito yung panaginip)
Sa panaginip ko, nadala ko yung pagkalasing ko. Nagdadrive daw ako along C5 ng lasing na lasing. Dine out with the doctor daw ako! Muntik akong mabangga ng truck sa likod ko habang nagpapark ako. Bwisit na bwisit daw ako. Nagtime warp na dun sa parteng nagdidinner kami ng doctor. Nang matapos na, pagbalik ko sa parking, nawawala yung kotse ko. Nag-isip pa ko ng matagal kung lasing lang ba ako at nawawala ako sa parking lot, o talagang na-carnap na yung kotse ko. Sinundo ako ng tatay ko at iyak ako ng iyak sa panaginip ko. Parang totoo lahat ng nangyayari.
032311 - Takot ako.
In psychology, dreams are reflections of the subconscious.
Nitong huling mga buwan, puro frustrations, puro fears ko yung lumalabas sa panaginip ko. Hindi na nakakatuwa sa totoo lang. Kaya rin pinanganak tong epal na account na to sa internet para dito ako magkalat, hindi yung naiipon lang sa utak ko, baka ako umexplode.
Kagabi ay isa sa mga typical na panaginip ng isang growing human being na ma-i-dedescribe sa isang salita - RANDOM. Napakarandom lang ng panaginip ko, o baka naman masyadong marami lang nangyari na hindi kinaya ng brain cells ko alalahanin lahat.
Magkasama kami ni significant other. Nasa isang hotel kami, na doon sa panaginip ko dun daw talaga ako nakatira. Paalis kami pero ang daming hindrance kaya nakatulog na lang siya sa inip habang ako inaasikaso yung mga pumapapel sa lakad namin. Eventually napagod ako at umidlip rin. Nang magising ako, wala na si boyfriend. Iniwan ako ng walang paalam. Mga ilang beses ko na ring napanaginipang iniiwan nya ko. Masakit kahit sa panaginip lang.
Bigla napunta ako sa elevator ng hotel. Parang napalapit nga ako sa Diyos sa elevator ride na yun, akala ko mapipigtal yung humahawak dun. Kaya naman nung bumukas na, labas agad ako.
Nung pagbaba ko dun, nagtransport ako bigla sa kwarto ko. Nakauwi na ko ng totoo. Muni muni lang sa kama nang biglang may tumalong ahas sakin. Alaga daw namin kaya nakipagkulitan lang ako. Yung pakiramdam na nakikipagkulitan sa aso ay parehas lang pala ng pakikipagkulitan sa makulit na ahas (at least sa panaginip ko). Biglang tinuklaw ako nung ahas, SA SINGIT! Natakot tuloy ako at sinakal ko yung ahas.
Nagising nanaman ako ng kabado. Lagi nalang ganun. Mostly ng kinakakabahan ko ay yung pag-iwan sakin ni Paolo. Hindi nakakatuwa. Parang laging totoo. :|
032211 - Bangungot
Besides sa pagtakbo at pagtakas madalas sa mga panaginip ko, suki ko rin yang sleep paralysis na yan, A.K.A. bangungot. Mag-explain sana ako kasi maraming misconceptions tungkol sa bangungot, pero tinatamad na ko. Click here nalang!
Maraming nangyari pero di ko na maalala. Huling tanda ko nalang may dalawa akong kasamang nakadungaw sa bintana, pinagmamasdan namin yung bahay sa tapat na naka Capiz window (Ano ba tawag dun?). Yung makalumang mga bintana nung panahon ni Jose Rizal na tipong may dudungaw na white lady o kung ano mang maligno any moment.
Sa totoo naki-usi lang ako dun sa dalawang nakatingin. Naguusap kasi sila kung ano tingin nila kapag nakakakita sila ng ganung bintana. From then alam ko ng nananaginip ako at sinubukan kong alisin yung feel na nakakatakot dahil alam ko na ring kapag hindi ko ginawa yun magtutuloy na sa sleep paralysis.
True enough, natuloy nga at bigla akong nagtransport sa kama ko. Kung nakaranas ka na ng sleep paralysis, mageget mo yung feeling na asa conscious state na yung isip mo pero yung katawan mo tulog pa. At di ka makakagalaw, ni makakasigaw thus the name Sleep Paralysis.
*pause* Nahihirapan ako magexplain a, pero gusto ko iexplain… Pero sige, next time nalang.
Nung nagtransport na ako sa kama ko, alam ko na ngang sleep paralysis na yun dahil nakikita ko na yung paligid kung ano yung current state nya ng mismong oras na yun. Biglang may mga nagpa-pop-out na tao pero silhoutte lang. Tuwing binabangungot ako, ang confirmation tactic ko ay pagsigaw. Ewan ko kung bakit ko ginagawa yun, para maramdaman lang siguro lalo yung panic at struggle!
Kagabi ata yung pinakamabilis kong na-control yung sleep paralysis. Medyo namamaster ko na sya. May technique kasi dyan na tinuro ng pinsan ko. Uunahin mo yung dulo ng daliri mo, mapa sa paa o sa kamay. Ewan ko pero mukhang it runs in the family, halos lahat ng pinsan ko mas madalas pa sakin maganito. Pag gising ko, saktong 3am! C’mon! Naalala ko nanaman yang Emily Rose na yan na hindi ko naman napanood pero takot na takot ako.
031711 - Pusa sa Giyera
As usual, tumatakbo nanaman ako. Sa pagkakaalala ko, parang ito yung may pinakacool na concept ng panaginip ko.
Dream within a dream. Inception? Nananaginip ako sa panaginip ko, at gusto ko ng magising dun. Sa panaginip ng panaginip ko, nasa panahon ako ng giyera, mukhang nung sinasakop tayo ng mga Kastila, at para magising ako dun kailangan ko mamatay…. ng SIYAM na beses. Nine. 9! Para akong pusa.
Tulad ng ibang panaginip sa loob ng panaginip, sa umpisa hindi natin alam na nananaginip tayo sa panaginip natin. (Labo? Ah basta, intindihin mo nalang.) E since asa giyera nga ako, at di ko alam bakit pati ako kasali sa mga hinahabol ng mga putragis na mga sundalong yan, ako si takbo lang ng takbo. Hanggang sa hindi ko maalalang pangyayari, biglang akong naging aware na kailangan ko ng gumising, at para gawin ko nga daw yun, kailangan ko mamatay. Kaya ako nagpabaril na ko dun sa isa sundalo. Tinadtad na nya ko ng bala, at infairness naramdaman ko yung sakit a, pero hindi parin ako namatay. Labo!
Pero ayun, nagising rin ako. Syempre kung hindi, sino nagkukwento nito diba? (Weh?)
Tulog. Takbo. Takbo. Tulog.
Gusto ko i-record ko (as much as possible) lahat ng mga panaginip kong naaalala ko. Sana mapanindigan ko to.
Madalas sa panaginip ko tumatakbo ako. Iba’t ibang scenario, iba’t ibang pangyayari, iba’t ibang tao, pero lagi ako tumatakbo. Lagi akong hinahabol, rather. Madalas ng mga masasamang nilalang, madalas ring may kailangan sila sakin, pero mas madalas gusto nila akong patayin.
Hindi ko alam, pero (medyo) naniniwala akong may ibig sabihin ang mga panaginip. Hindi man premonition ito sa mga mangyayari, pwedeng isang susi to para mas makilala ko ang sarili ko, ang kinatatakutan ko, o kung may tinatakbuhan ba talaga ako, unconsciously